Buod at Kahalagahan ng Pelikulang "Wall-E"

 

Source: https://prod-ripcut-delivery.disney-plus.net/v1/variant/disney/5C8D13FFDEA93C10069A51DDA07050A362726ADCA060AACEE5DACB61CD3F7891/scale?width=1200&aspectRatio=1.78&format=jpeg
   

  Source: https://www.youtube.com/watch?v=geplBr2fcZc&t=21s

            Ang WALL-E (Waste Allocation Load Lifter Earth-Class) ay isang 2008 American computer-animated science fiction film na ginawa ng Pixar Animation Studios at inilabas ng Walt Disney Pictures. Ang pelikula ay idinirek at isinulat ni Andrew Stanton, ginawa ni Jim Morris, at kasamang isinulat ni Jim Reardon. Pinagbibidahan ito ng mga boses nina Ben Burtt (WALL-E), Elissa Knight (EVE), Jeff Garlin (Capt. B. McCrea), John Ratzenberger (John), Kathy Najimy (Mary), kasama sina Sigourney Weaver (Axiom's Computer) at Fred Willard (Shelby Forthright).

BUOD

Sa pelikulang ito ay makikitang ang Earth ay unti-unting nasisira at namamatay ang kapaligiran dahil sa patuloy na pagsasagawa ng mga tao ng kanilang masasamang gawain na talaga namang nakakasira dahil nag dudulot ito ng polusyon sa kalikasan. Ngunit makikita sa unang senaryo ng pelikula ang kumpol na mga basura na nagmistulang mga matataas na gusali. Ito rin ang dahilan kung bakit napilitan ang mga tao na iwan ang Earth at manirahan sa kalawakan, sakay ng spaceship kasama ng mga hightech na robot, na may pangalang Axiom. Bago nila lisanin ang earth naglikha sila ng mga robot na may kakayahang mag linis ng mga basura at gawin itong parisukat. Habang lumilipas ang araw, nasisira ang mga robot na ito hanggang sa isa na lamang ang natira, ito ay si Wall-E.

Habang nangongolekta ng basura si Wall-E natagpuan nya ang isang maliit na halaman. Kasalukuyang dumating si eve sa earth, sya ay robot na ginawa upang maghanap ng kahit na anong tanda na maaaring mabuhay sa Earth, gaya ng halaman. Agad na nahulog ang loob ni Wall-E kay Eve (Extraterestrial Vegetation Evaluator) nang kanyang makita ito. Dinala nya ito sa kanyang bahay, na mistulang storage room kung saan nya itinatago ang mga basurang natatagpuan nya na maaari pang magamit at iba pang bagay na nakakuha ng kanyang atensyon, isa na nga rito ay ang halaman. Nang makita at ini-scan ni eve ang halaman agad nya itong kinuha at itinago sa loob nya at saka sya nag deactivate. Nang sinundo si Eve ng mga robot sakay ng isang spaceship sumama si Wall-E dahil sa pagmamahal at pagaalala nya rito. Nag report si eve kay Captain B. Mcrea, nalaman ng Captain, ni Eve  at Wall-E na tutol si Auto, ang robot pilot ng spaceship na bumalik sila sa earth. Sa tulong ng mga robot na sina M-O (Microbe Obliterator), at iba pang defective robot, at ni Captain nabawi nila at tuluyang na sealed ang halaman matapos mailagay ni Captain si Auto sa manual mode. Sila ay matagumpay na nakabalik sa Earth.

KAHALAGAHAN

Tunay at matatag na patunay at halimbawa ang pelikulang Wall-E na nararapat na maging responsable ang mga tao sa paggamit at pag-depende sa teknolohiya gayundin ang pagpapakita ng kahalagahan ng kalikasan.Makikita sa pelikula kung paano inilalayo ng teknolohiya ang mga tao sa isa't isa. Nababawasan ang kanilang komunikasyon at maski paggawa ng mga makabuluhang bagay. Nagiging dahilan din ang teknolohiya sa pagiging depende ng tao dito na syang nag reresulta sa pagiging tamad na pagkilos. Mahihinuha rin natin sa pelikula na ang sobrang paggamit at pagpapabaya ng mga tao sa kalikasan ay mag-reresulta sa pagkasira ng mundo at pagkaubos ng buhay. Atin ding matutuhan kay Wall-E na ang pagiging maalam patungkol sa sarili katulad ng pag-alam at pagpapahalaga ng sariling kalakasan, kahinaan, pangangailangan at kagustuhan ay makakatulong upang mapalago ang sariling personalidad at maski pagbuo ng magandang komunikasyon sa iba.

TAUHAN

 
WALL-E

EVE
 
Capt. B. McCrea

AUTO

Mary and John

Axiom's Computer

Shelby Forthright owner of Buy n Large Corporation




All Rights Reserved 2023

Writer: Realyn M. Mallan
Editor: Maribel L. Merabilla

Comments